Showing posts with label bokeh. Show all posts
Showing posts with label bokeh. Show all posts

Friday, October 26, 2012

Kung...





  1. Kung nakapagsasalita lang at nakakapagmura ang mga karatula sa daan tulad ng "Bawal Tumawid" o "No Parking",
    Malamang, marami itong nakaka-away...
  2. Kung dinisenyo lang ang mga sasakyan na nakatutok sa mukha ng driver ang tambutso nito,
    Sigurado ako, walang smoke belchers sa kalsada ngayon...
  3. Kung tinatahi lang ang bibig ng mga mahilig dumura sa daan,
    Malamang, mayroong krisis sa sinulid ngayon...
  4. Kung nakapagsasalita lang ang mga OVERPASS sa mga lansangan,
    Siguro, sawang-sawa na ito sa pagmamaka-awa sa iyo...
  5. Kung totoo nga ang paniniwala ng mga ANCIENT ASTRONAUT THEORISTS,
    Handa ka na ba?

    ...at madadagdagan pa... 


Wednesday, October 24, 2012

Mysterious Lights and Bokeh




Mag-de-December na naman! Kumukuti-kutitap na naman ang paligid tuwing gabi.
Isa ito sa mga bagay na nagbibigay sa 'kin ng excitement tuwing magpa-Pasko,
maliban pa sa "cash bonuses" (meron kaya?) at mga raffle contests (kahit grocery items, pwede na!)
Na kahit isang beses simula kinder eh, hindi pa ako nanalo.

Itong mga patay sinding ilaw na ito ang nagpapa-aaalala sa akin ng mga nagdaang Pasko.
May masaya, may malungkot, may masagana at meron din namang walang pera.
Nagpapa-alala rin ito sa akin na malapit naman ang "simbang-tulog" o "simbang-ligaw". 
At higit sa lahat, pinapa-alala sa 'kin nitong mga ilaw na 'to na meron nga pala akong mga inaanak na kailangang ibili ng mga regalo...



 



Saturday, October 20, 2012

Ang mamamayang mulat, hindi makalat...


Mulat ka kapag nagtatapon ka ng kaliit-litang mong kalat sa tamang lalagyan,
'yung hindi parang basurahan mo ang buong mundo, hagis dito, itsa doon, iwan dito, ipit doon.
Mulat ka kung alam mo ang nangyayari sa kapaligiran mo,
at hindi ka na dumadagdag sa problema, bagkus sinisimulan mo ang solusyon,
sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng iyong sarili!
Mahirap maging mulat ang taong may kaisipang salat...

Kung sabagay, isa ka sa mga mamamayang malaya,
ng mahal kong bansang Pilipinas!