Nakagat ka na ba ng aso?
Ako maraming beses na din...
ng mga naging alaga naman namin, "friendly bite" lang 'ika nga.
Gigil lang ba, habang nakikipag kulitan kila bantay, tagpi at buwakaw.
Pero ang hindi ko malilimutan,
ay nung kinagat ako ng "mabait naman daw" na aso ng mabuti naming kapit-bahay.
Hindi ko maisip na nasa gate na ako ng harap ng bahay namin
e, dambahin ba na naman ako at tikman ni Hannibal!
Siyempre, bilang isang malaya at sibilisadong mamayan,
kinausap ko ng mahinahon ang may-ari at tinanong kung papaano na?
Mabait naman daw 'yung aso nila, atsaka nakatali daw 'yun,
malinis at walang RABIES (pero napaamin ko na wala namang anti-rabies vaccine)!
To make the long story short, nakiusap si "Paul Owens" na hati na lang kami sa gastos,
Ayun, ilang session din ako pumila sa San Lazaro Hospital at nang-"hunting" ng kahati sa vial.
Hanggang ngayon, kapag naaalala ko 'yung documentary ng Magandang Gabi Bayan at I-Witness tungkol sa rabies,
parang gustong bumula ng bibig ko at kagatin ko pati 'yung mga alaga niyang mga manok na pakalat-kalat sa daan!
Ang sa akin lang, masarap mag-alaga ng aso, oso o kahit anung hayop pa 'yan.
Basta maging responsableng "amo" ka lang, itali mo kung wala kang kulungan,
Ikulong mo kung wala kang pang-tali :D, o i-pulutan mo na lang kung wala ka pareho (calling PETA, PAWS...)
'Yung pupu n'yang alaga mo, damputin/linisin mo lalo na kung inabutan sa labas ng bakuran mo.
Kung sabagay, isa ka sa mga mamamayang malaya,
ng mahal kong bansang Pilipinas!

No comments:
Post a Comment