Monday, October 22, 2012

End of the World, December 21, 2012

DIGITALLY ALTERED: Adobe Lightroom

October 22, pala ngayon, bigla lang pumasok sa isip ko kanina.
Halos kulang dalawang buwan na lang eh, December 21, 2012 na!
Oh weee ano ngayon, tanong mo siguro sa akin?
Malalim at mahiwaga kasi para sa akin ang darating na araw at petsa na 'to...

Mas excited pa ko sa count down pa-December 21, 2012,
kaysa sa count down pa-Pasko (heavy traffic, crowded places, mandatory spending... :D).
Excited??? E 'di ba nga DOOMSDAY 'yun?! ANNIHILATION?! OBLITERATION?!
Grabe naman, nakakatakot namang pakinggan at isipin 'yan!

Paniniwala yan ng mga MAYANs, na sinuri at pinag-aralan ng tropa nila Giorgio A. Tsoukalos,  Erich von Däniken, David Hatcher Childress at ng marami pang ekspertong dalubhasa sa mga bagay-bagay na hindi pag-aaksayahan ng panahon ng mga mamamayang nagugutom, tutok sa mga pantaserye, telenobela, at laging gustong magka-latest na modelo ng smart phone.

Gusto ko sanang i-detalye kung paano ako nagsimulang mag-abang sa petsang ito (year 2008 pa siguro),
pero siguradong inuumpisahan ko pa lang eh, nagse-search ka na ng latest hit songs ng mga sikat na K-Pop groups o ng na-miss mong teleserye sa iWanTV (teka, napanuod mo na ba 'yung featured dito na Magandang Gabi Bayan IWANT Horror? - natakot ka ba?)

Basta, kung tutoo man o hindi ang prediksyon ng mga matatalino at mahihiwagang MAYANs,
gunaw man 'yan o panibagong yugto sa kasaysayan ng ating kasalukuyang panahon,
aabangan ko at haharapin 'yang petsang 'yan, ng buong loob, walang takot at buong tapang (naaaks..).
Basta ako,ibinahagi ko na at ipinapasa-iyo ang paniniwala sa misteryo ng petsang darating, para ika'y magbago...

Kung sabagay, isa ka sa mga mamamayang malaya,
ng mahal kong bansang Pilipinas!


No comments:

Post a Comment