Kaysarap mabuhay sa bansang Pilipinas, isang bansang malaya, where I can express my thoughts through PHOTOGRAPHY and LITERATURE.
Saturday, October 27, 2012
mamamayangMalaya: Photography
mamamayangMalaya: Photography: Puerto Galera, Philippines Boracay, Philippines Mimosa Clark Golf and Country Club , Philippines Batad,...
Friday, October 26, 2012
Kung...
Kung nakapagsasalita lang at nakakapagmura ang mga karatula sa daan tulad ng "Bawal Tumawid" o "No Parking",
Malamang, marami itong nakaka-away...Kung dinisenyo lang ang mga sasakyan na nakatutok sa mukha ng driver ang tambutso nito,
Sigurado ako, walang smoke belchers sa kalsada ngayon...Kung tinatahi lang ang bibig ng mga mahilig dumura sa daan,
Malamang, mayroong krisis sa sinulid ngayon...Kung nakapagsasalita lang ang mga OVERPASS sa mga lansangan,
Siguro, sawang-sawa na ito sa pagmamaka-awa sa iyo...Kung totoo nga ang paniniwala ng mga ANCIENT ASTRONAUT THEORISTS,
Handa ka na ba?
...at madadagdagan pa...
Wednesday, October 24, 2012
Mysterious Lights and Bokeh
Mag-de-December na naman! Kumukuti-kutitap na naman ang paligid tuwing gabi.
Isa ito sa mga bagay na nagbibigay sa 'kin ng excitement tuwing magpa-Pasko,
maliban pa sa "cash bonuses" (meron kaya?) at mga raffle contests (kahit grocery items, pwede na!)
Na kahit isang beses simula kinder eh, hindi pa ako nanalo.
Itong mga patay sinding ilaw na ito ang nagpapa-aaalala sa akin ng mga nagdaang Pasko.
May masaya, may malungkot, may masagana at meron din namang walang pera.
Nagpapa-alala rin ito sa akin na malapit naman ang "simbang-tulog" o "simbang-ligaw".
At higit sa lahat, pinapa-alala sa 'kin nitong mga ilaw na 'to na meron nga pala akong mga inaanak na kailangang ibili ng mga regalo...

Monday, October 22, 2012
End of the World, December 21, 2012
PHOTO SOURCE: http://surf.globe.com.ph
DIGITALLY ALTERED: Adobe Lightroom
October 22, pala ngayon, bigla lang pumasok sa isip ko kanina.
Halos kulang dalawang buwan na lang eh, December 21, 2012 na!
Oh weee ano ngayon, tanong mo siguro sa akin?
Malalim at mahiwaga kasi para sa akin ang darating na araw at petsa na 'to...
Mas excited pa ko sa count down pa-December 21, 2012,
kaysa sa count down pa-Pasko (heavy traffic, crowded places, mandatory spending... :D).
Excited??? E 'di ba nga DOOMSDAY 'yun?! ANNIHILATION?! OBLITERATION?!
Grabe naman, nakakatakot namang pakinggan at isipin 'yan!
Paniniwala yan ng mga MAYANs, na sinuri at pinag-aralan ng tropa nila Giorgio A. Tsoukalos, Erich von Däniken, David Hatcher Childress at ng marami pang ekspertong dalubhasa sa mga bagay-bagay na hindi pag-aaksayahan ng panahon ng mga mamamayang nagugutom, tutok sa mga pantaserye, telenobela, at laging gustong magka-latest na modelo ng smart phone.
Gusto ko sanang i-detalye kung paano ako nagsimulang mag-abang sa petsang ito (year 2008 pa siguro),
pero siguradong inuumpisahan ko pa lang eh, nagse-search ka na ng latest hit songs ng mga sikat na K-Pop groups o ng na-miss mong teleserye sa iWanTV (teka, napanuod mo na ba 'yung featured dito na Magandang Gabi Bayan IWANT Horror? - natakot ka ba?)
Basta, kung tutoo man o hindi ang prediksyon ng mga matatalino at mahihiwagang MAYANs,
gunaw man 'yan o panibagong yugto sa kasaysayan ng ating kasalukuyang panahon,
aabangan ko at haharapin 'yang petsang 'yan, ng buong loob, walang takot at buong tapang (naaaks..).
Basta ako,ibinahagi ko na at ipinapasa-iyo ang paniniwala sa misteryo ng petsang darating, para ika'y magbago...
Kung sabagay, isa ka sa mga mamamayang malaya,
ng mahal kong bansang Pilipinas!
Saturday, October 20, 2012
Mag-ingat sa Aso, lalo na sa amo...
Nakagat ka na ba ng aso?
Ako maraming beses na din...
ng mga naging alaga naman namin, "friendly bite" lang 'ika nga.
Gigil lang ba, habang nakikipag kulitan kila bantay, tagpi at buwakaw.
Pero ang hindi ko malilimutan,
ay nung kinagat ako ng "mabait naman daw" na aso ng mabuti naming kapit-bahay.
Hindi ko maisip na nasa gate na ako ng harap ng bahay namin
e, dambahin ba na naman ako at tikman ni Hannibal!
Siyempre, bilang isang malaya at sibilisadong mamayan,
kinausap ko ng mahinahon ang may-ari at tinanong kung papaano na?
Mabait naman daw 'yung aso nila, atsaka nakatali daw 'yun,
malinis at walang RABIES (pero napaamin ko na wala namang anti-rabies vaccine)!
To make the long story short, nakiusap si "Paul Owens" na hati na lang kami sa gastos,
Ayun, ilang session din ako pumila sa San Lazaro Hospital at nang-"hunting" ng kahati sa vial.
Hanggang ngayon, kapag naaalala ko 'yung documentary ng Magandang Gabi Bayan at I-Witness tungkol sa rabies,
parang gustong bumula ng bibig ko at kagatin ko pati 'yung mga alaga niyang mga manok na pakalat-kalat sa daan!
Ang sa akin lang, masarap mag-alaga ng aso, oso o kahit anung hayop pa 'yan.
Basta maging responsableng "amo" ka lang, itali mo kung wala kang kulungan,
Ikulong mo kung wala kang pang-tali :D, o i-pulutan mo na lang kung wala ka pareho (calling PETA, PAWS...)
'Yung pupu n'yang alaga mo, damputin/linisin mo lalo na kung inabutan sa labas ng bakuran mo.

Ang mamamayang mulat, hindi makalat...
Mulat ka kapag nagtatapon ka ng kaliit-litang mong kalat sa tamang lalagyan,
'yung hindi parang basurahan mo ang buong mundo, hagis dito, itsa doon, iwan dito, ipit doon.
Mulat ka kung alam mo ang nangyayari sa kapaligiran mo,
at hindi ka na dumadagdag sa problema, bagkus sinisimulan mo ang solusyon,
sa pamamagitan ng pagdidisiplina ng iyong sarili!
Mahirap maging mulat ang taong may kaisipang salat...
Kung sabagay, isa ka sa mga mamamayang malaya,
ng mahal kong bansang Pilipinas!
Kung sabagay, isa ka sa mga mamamayang malaya,
ng mahal kong bansang Pilipinas!
Subscribe to:
Posts (Atom)